“Joyce’s 18th”
SM Marikina. 10-12-12. This Guy’s In Love With You Mare. KFC. 7 11.
Noong fourth year, kaming Batch Six ay nagtanghal ng isang nobelang iniakda ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal, ang El Filbusterismo. Ang mga larawang ito ay nagpapakita ng mga karakter na ginampanan ng bawat isa sa amin.










Photos taken by Eilyn Yatco
Edited by Bernard Abalos
“Brotherhood”
Be a Leader
Be a Friend
Be of Service
“Takbo para sa Kalikasan”
Isang takbong humihikayat at naglalayong imulat ang mga mata ng tao sa kahalagahan ng mga ilog sa Pilipinas.
“Panunumpa sa Bayan”
Hinikayat ni Noel Cabangon na tumayo, itaas ang kanang kamay at sumabay ang mga tao sa kanyang pagkanta ng mga katagang “‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino.” Magiliw naman itong pinaunlakan ng madla at ipinagmalaki sa buong mundo ang pagka-Pilipino.
“Kapit”
Dahil sa dami ng taong nagnanais makita ang mga tatakbong miyembro ng APO, ang ilan ay umakyat pa sa mas mataas na lugar tulad nitong billboard frame.
“Eyng-gry Berd”
Isang lobong nagnanais makawala, makalipad, makalaya.
“Begone Satan”
Mga batang naghihintay matapos ang misa upang makauwi na’t makabalik sa paglalaro.
Our Lady of Lourdes Grotto
Ang simbahang ito ay itinayo upang maging isang daan sa pamamahagi ng biyayang natamo ng pamilyang Guanzon sa mga Pilipino.
Santino! :]
Nag-iikot ako sa simbahan, naghahanap ng makukuhan ng litrato, noong makita ko ang batang ito na tila nakipaglalaro sa estatwang batang Hesus. Nakatutuwang pagmasdan na tila nagpapalitan ng ngiti ang dalawa at ang pigura naman ni Maria ay sumusuporta sa kanila. Bigla tuloy pumasok sa aking isipan ang “paglalaro” ko sa simbahan noong bata ako.
Our Lady of Lourdes Grotto in San Jose del Monte, Bulacan
Noong una kong namasdan ang simbahang ito, nagulat ako; marahil na rin sa laki nitong umaabot ng ilang ektarya. Kasama ang dalawa kong kamag-aral mula sa Kas 1, inikot namin ang buong lugar upang matanto ang napakayabong na kasaysayang ikinukubli nito. Masuwerte’t kami’y napadpad sa isang opisina kung saan nandoon mismo, ang nagpatayo ng napakagandang lugar na iyon, si Ms. Marietta Guanzon-Pichache-Holmgren. Pinaunlakan niya naman ang aming mga katanungan at matapos niyon ay nabuksan ang aming isipan sa mga pangyayaring nag-udyo sa kanya upang likhain ang banal na lugar na iyon.